CREEPYPASTA (THE SERIES) - Season
1
“Pray For Us Sinners”
NAKILALA si Aling Melba sa
kanilang bayan bilang isang magaling na manggagamot. Halos lahat ng mga may
malalang karamdaman ay sa kanya nagpapagamot. Sa pamamagitan ng kanyang agimat
na namana pa niya sa pumanaw niyang ina ay gagaling ang sakit ng mga taong
kokonsulta sa kanya. 'Diyos' kung siya'y iturin ng taumbayan. Taglay niya ang
kabaitan at kapangyarihan ng Diyos sa langit. Kulang na nga lang ay pagawan
siya ng sariling rebulto para dasalan at sambahin.
Mabait si Aling Melba. Hindi siya
nagpapabayad sa panggagamot. Libre niyang ginagamot ang lahat ng mga may sakit.
Hindi na niya iniintindi ang gutom dahil sa kawalan ng pera, makita lang niyang
malusog at walang sakit ang taumbayan ay busog na siya sa kaligayahan. Ganoon
siya kabait.
"Alam mo, anak, ang agimat
na ito ay makapangyarihan. Pagdating ng panahon, sa 'yo ko ipapamana ito. Ikaw
na ang gagamot sa mga taong may karamdaman."
Iyon ang palaging sinasabi ni
Aling Melba gabi-gabi sa anak niyang lalaki na si Arch.
Binubulag ni Aling Melba ang
sariling anak sa kapangyarihang taglay ng agimat na iyon upang hindi nito
makilala ang Diyos sa langit na pinaniniwalaang higit na makapangyarihan at
lumikha sa lahat.
Lumaki si Arch na ang agimat ng
kanyang ina ang kanilang kinikilalang Diyos.
"Inay, kapag po tayo naman
ang nagkasakit, mapapagaling din ba tayo ng agimat na 'yan?" tanong sa
kanya ng bata.
"Anak, ibuhos mo lang ang
iyong pananampalataya sa agimat na ito at bibigyan ka niya ng mahabang
buhay," paliwanag ni Aling Melba.
Ang ibig nitong sabihin ay
maliligtas sa kahit anong sakit at kapahamakan ang sinumang magmay-ari sa
agimat na iyon.
Yari sametal ang agimat. Hugis
bilog ito at ang simbolo nito ay ang YinYang symbol.
Sa tuwing manggagamot si Aling
Melba ay idinidikit niya ang mata ng agimat sa gitna ng noo ng mga taong may
karamdaman saka niya ito uusalan ng dasal, at pagkalipas lamang ng dalawa
hanggang tatlong oras ay muling sisigla at babalik sa normal ang kalusugan at
pangangatawan ng may sakit.
Subalit dumating ang araw na
pumanaw si Aling Melba dahil sa katandaan. Ang araw na iyon ang umpisa ng
pagluluksa ni Arch. Mula sa simula hanggang sa huling gabi ng lamay ay halos
kaunti lamang ang kanyang tulog. Palagi siyang nasa harap ng kabaong habang
iniiyakan ang ina. Halos ayaw niyang humiwalay sa kabaong. Kulang na lang ay
tabihan niya ang ina sa loob nito. Marami ang nakipaglamay sa matanda, malaki
raw kasi ang utang na loob ng mga ito kay Aling Melba kaya nangako ang
taumbayan na ihahatid nila ito hanggang sa huling hantungan nito. Parang
presidente ng pilipinas si Aling Melba. Sobrang dami ng nakikipaglamay sa
kanya.
Oras ng misa, tinawag na nang
pari ang lahat ng gustong magbasbas ng holy water sa kabaong ni Aling Melba.
Marami ang tumayo at humarap sa kabaong. Unang iniabot ang holy water kay Arch.
Halos mamula na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.
Pagkabasbas niya ng holy water sa
kabaong ay bigla itong nagliyab at lumikha ng apoy. Laking gulat ng mga tao,
lalong-lalo na si Arch. Napaatras silang lahat. Ang mga tao namang nakaupo ay
napatayo at napasigaw rin sa naganap. Ang pari naman ay napaatras at napa sign
of the cross dahil sa takot.
Kasamang sinunog ng apoy ang
bangkay ni Aling Melba sa loob ng kabaong.
Gulat na gulat doon si Arch.
Nahaluan ng pagtataka ang kanyang nararamdaman. Walang makapagsabi kung paano
nagliyab ang kabaong ni Aling Melba, at ang higit na nakapagtataka ay kung
bakit ito nagliyab nang basbasan ito ng holy water.
Dahil ba sa pagsamba nito sa
agimat na iyon? Ang agimat na nilikha ng kadiliman para lasunin ang isip ng mga
tao?
Pagkalipas ng ilang taon ay si
Arch na ang nagmay-ari ng agimat. Siya ang sumunod sa yapak ng kanyang ina
bilang manggagamot pero ang kaibahan lamang ay nagpapabayad si Arch sa lahat ng
mga ginamot niya kaya medyo nanibago ang mga tao sa kanya.
Na-realized niya na nagbibigay
nga ng mahabang buhay ang sinumang magmay-ari ng agimat, pero darating at
darating pa rin ang araw ng kamatayan ng lahat ng tao. Iyon ang ikinasasama ng
loob ni Arch kaya sa tuwing kinakausap siya ng mga nagpapagamot ay tinatarayan
niya ito. Mataray siyang lalaki.
"Namatay ang aking ina dahil
na rin sa gutom. Ayaw pa rin niyang huminto sa panggagamot ng libre kahit wala
na kaming makain kaya hindi ako papayag na tumanda akong mahirap at mamatay rin
sa gutom."
Iyon ang palaging idinadahilan ni
Arch sa mga taong kumukuwestyon kung bakit siya nagpapabayad pa. Ayaw niyang
matulad sa kanyang ina na sumobra sa bait kaya patuloy na naghihirap. Bagamat
maraming nagrereklamo sa patakaran niyang iyon ay marami pa ring nagpapagamot
sa kanya at napipilitang magbigay ng bayad. Sa totoo lang, sumama ang loob ni
Arch sa mga tao kaya sinisingil niya ang mga ito ng pera. Ang perang iyon ang kabayaran
ng mga ito sa pagkamatay ng kanyang ina.
Aywan ba niya kung bakit naging
ganoon na lamang kabait ang ina niya sa mga tao noong nabubuhay pa ito.
Iniintindi pa ang kalusugan at buhay ng iba kaysa sa sariling buhay.
Ang panggagamot ay ginawang
negosyo ni Arch. Bukod sa panggagamot ay naimpluwensyahan din siya ng mga
barkada sa pagbebenta ng mga droga. Doon siya kumita ng husto at napabilang sa
mga taong maituturin na 'may kaya sa buhay.'
Walang nakakaalam na nagbebenta
ng droga si Arch. Ang alam lang ng mga ito ay nanggagamot siya sa pamamagitan
ng agimat na iyon.
Hanggang sa dumating ang oras na
nakaisip siya ng plano para tuluyang yumaman. Nais niyang ibenta sa malaking
halaga ang agimat.
"Seryoso ka ba d'yan, Arch?
Ibebenta mo 'yan sa akin ng isang milyon?" natatawang tanong sa kanya ni
Emir, ang lider nila sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
"Boss, alam ko namamahalan
ka sa presyo ng agimat na ito. Pero kung alam mo lang, nakapagpapagaling ito ng
kahit anong mga karamdaman at humahaba pa ang buhay ng sinumang magmay-ari
nito! Tandaan mo, walang pera ang kayang tumbasan ang buhay ng isang tao. Kaya
kapag binili mo ito, para ka na ring bumili ng iyong pangalawang buhay dito sa
lupa! Hinding-hindi mo ito pagsisisihan!"pagkukumbinsi ni Arch. Halos
manlaki pa ang mga mata niya habang nagsasalita.
"Alam ko," ang tanging
tugon ni Emir. Kahit noong hindi pa niya tauhan si Arch ay kilala na niya ang
ina nito na dating nanggagamot sa pamamagitan ng agimat na iyon.
Katunayan ay balak sana niyang
nakawin ang agimat noon pa dahil kailangan na kailangan niya iyon para sa
kanyang asawa na hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin dahil sa breast cancer
pero ngayo'y hindi siya makapaniwalang ang agimat na mismo ang lalapit sa kanya
para maging bago nitong tagapangalaga. Maaari niyang gamitin iyon para
mapagaling ang asawa niya.
Di nagtagal ay agad ding
nagkasundo sina Emir at Arch sa napag-usapan. Pagkatapos ipaliwanag ng binata
kung paano gamitin ang agimat pati ang mga dasal na dapat nitong bigkasin ay
ibinigay na nito ang agimat. Kaliwaan. Pagkatapos ay ibinigay naman sa kanya ng
amo ang isang malaking bag na naglalaman ng isang milyon. Cash."
Abot tenga ang ngiti ni Arch. Sa
wakas ay mayaman na siya. Wala na siyang mahihiling pang iba. Ngayong may pera
na siya, kaya na niyang paikutin ang mundo sa kanyang mga palad.
Lalo tuloy siyang naawa sa
kanyang ina na namatay na hindi man lang nakakuha ng benipisyo mula sa agimat
na iyon. Kung nakikita lang marahil ni Aling Melba ang pagyaman ngayon ng anak,
malamang ay magsisisi rin ito kung bakit pa ito naging mabait sa mga tao at
hindi nagpapabayad.
Nang makuha na ni Arch ang pera
ay lumisan na siya sa kanilang bayan at iniwan na rin niya ang pagbebenta ng
droga. Nagpatayo siya ng sariling bahay sa Maynila at habang hindi pa ito
natatapos, pansamantala siyang nangungupahan ngayon sa isang maayos na
apartment.
Nagulat siya ng ibalita sa TV ang
diumanoy dalawang lalaki na nahuli sa pagbebenta ng mga droga. Kahit itinago ng
media ang tunay na pangalan ng mga ito ay kilala niya kung sino ang dalawang
lalaki na iyon.
Sina Kiko at Peter, ang mga
kaibigan niya na nagpasok sa kanya dati para magbenta ng droga. Malaki ang
pasasalamat niya dahil iniwan na niya ang negosyong iyon.
Kung nanatali lang siguro siya sa
negosyong iyon hanggang ngayon, marahil ay laman din siya ng balita sa TV
tungkol sa pagbebenta ng droga.
Tinawanan na lamang niya ang
napanood. Hindi na niya kailangan pang isipin at balikan ang kanyang masaklap
na nakaraan dahil mayaman na siya. Dapat na siyang mag-focus sa buhay niya
ngayon.
Samantala, tuwang-tuwa si Emir sa
biglaang paggaling ng kanyang asawa. Wala na ang bukol nito sa suso. Dalawang
oras lamang ang lumipas matapos niyang gamitin ang agimat ay gumaling na agad
ang kanyang asawa at nakaligtas sa isang sakit na kahit sino'y ayaw magkaroon
nito.
Maluha-luhang hinalik-halikan ni
Emir ang agimat, halos sambahin niya ito. Tuwang-tuwa siya dahil sa biglaang
pagsigla ng katawan ng asawa niya. Gusto na nga raw nitong lumabas agad sa
ospital para makapagtrabaho. Iyon ang daily hobby ng kanyang asawa, ang
magtrabaho ng magtrabaho.Napakasaya nilang mag-asawa. Halos magwala sila sa
ospital dahil sa sobrang saya.
Napatunayan ni Emir na
makapangyarihan talaga ang agimat na iyon. Hindi niya pinagsisihan ang isang
milyong piso na ibinayad niya kay Arch kapalit ng agimat. Na-realized niyang
hindi talaga kayang tumbasan ng pera ang buhay ng isang tao. Mas mahalaga ang
buhay kaysa sa pera. Nanghihiyang tuloy siya kung bakit isang milyon lamang ang
ibinayad niya. Kung alam lang niyang ganoon pala katindi ang kapangyarihan ng
agimat, handa niyang ibayad pati ang lahat ng kanyang natitirang mga ari-arian.
Kaya ngayon, magbabagong buhay na
siya. Iiwanan na niya ang pagdodroga at magpapakalayu-layo na sila ng asawa
niya. Ayaw niyang mahuli ng mga alagad ng batas kaya tatakasan na niya ang
kasalanang umaalipin sa kanya. Wanted na kasi ito sa kanilang lugar. Kalat na
kalat na ang pangalan at litrato niya sa mga poster at sa mga nakadikit sa
dingding.
May dumating na isang di
inaasahang pangyayari sa kanilang mag-asawa. May nakakita kina Emir kung saang
tirahan sila nagtatago. Agad itong nakarating sa mga pulis kaya nang araw ding
iyon ay tinunton nila ang bahay ng mag-asawa at hinuli ang lalaki. Di makapaniwala
ang kanyang asawa sa nangyayari lalo na ng malaman nito na lider pala si Emir
sa pagbebenta ng mga droga. Dahil sa pagkabigla ay inatake sa puso ang kanyang
asawa. Ang masaklap doon ay hinuli pa mismo si Emir ng mga pulis sa harap ng
kanyang asawa na lalong nagpalala sa sitwasyon. Bakit inatake ng ganoon kadali
ang asawa niya? Ang akala niya ay napagaling na ng agimat ang lahat ng mga
komplikasyon nito sa katawan. Binabawi na ba ng agimat ang paggaling ng kanyang
asawa?
Nanlumo si Emir nang ipasok na
siya sa prisinto kasama nina Kiko at Peter, ang dalawang masugid niyang mga
tauhan.
May mga media pa na nagpunta para
interbyuhin siya.
"Totoo po ba na kayo talaga
ang lider sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot?" tanong ng isang
reporter.Hindi makapagsalita si Emir.Nakatakip ng sando ang kanyang mukha
habang nakayuko at umiiyak.
Masama ang loob niya sa dalawang
tauhan dahil binulgar ng mga ito ang tungkol sa kanya. Ngayon ay habang buhay
na niyang pagdurusahan ang ginawang kasalanan.
Sising-sisi siya. Bakit pa niya
tinanggap ang agimat na iyon kay Arch? Bakit pa niya ipinagpalit ang isang
milyon para lang sa agimat na hindi niya lubos akalain na magdudulot ng
matinding problema sa kanya? Isa lang ang sinisisi niya sa lahat ng ito, walang
iba kundi si Arch. Kaya nang gabing iyon, nanalaytay ang galit at poot sa dugo
niya. Di niya napigilan ang sarili na manumpa sa sukdulan ng buwan.
"Kasalanan mo ito, Arch...
Dahil sa 'yo at sa agimat mong 'yan ay nasira ang buhay ko... Kung alam ko
lang, hindi ko na lang sana ipinagpalit ang pera ko sa letseng agimat na 'yan!
Isinusumpa kita... Magdurusa ka sa pamamagitan ng pera mong 'yan! Magdurusa
kaaaaa!!!" Di niya napigilang sumigaw sa sobrang galit. Wala na siyang
pakialam kung magising pa ang mga kasama niya sa loob ng kulungan.
Aywan ba niya kung bakit bigla na
lamang siyang nakaramdam ng kakaibang kaginhawaan matapos niyang masabi iyon.
Dininig ba ng diablo ang panunumpa niya kay Arch?Kung tunay ngang dininig ng
demonyo ang kanyang sinabi, hanggang saan kaya tutungo ang sumpang ito?
WALANG ibang ginawa si Arch kundi
ang magpakalasing sa bar gabi-gabi. Iyon ang naging night hobby niya.
Palibhasa’y marami ng pera kaya malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya.
Anytime, anywhere.Walang gabi na wala siyang nakikilalang babae sa loob ng bar.
Bawat gabi ay iba-ibang babae. Siya na mismo ang nagbabayad sa order na alak ng
mga ito. Sagot lahat niya ang gastos.
Ngunit isang gabi ay may nakita
siyang isang babae na ubod ng ganda. Ang babaeng iyon ang pinakamaganda sa lahat
ng mga nakilala niya. Maputi ito, matangkad at sumasabog ang bango ng madaanan
niya ito na nag-iisa sa isang lamesa kaya hindi siya nagdalawang isip na
kaibiganin ito.
"Hi. Dayuhan ka ba
rito?" tanong niya.Sa tansa niya'y may lahing amerikana ang babae.
"Hindi.Tagarito lang din
ako," tugon ng babae. Musika sa pandinig ni Arch ang boses nito. Lalong
nahuhulog ang loob niya sa babae.
"Saan ka nakatira
dito?"
"Malapit lang dito sa bar.
Mga tatlong bahay ang lalampasan mo sa kanan bago mo makita 'yung bahay ko.
Mag-isa na lang ako. Wala na akong mga magulang," kuwento ng babae.
Nangunot ang noo ng
lalaki."Bakit naman?"
"'Yung mama ko matagal nang
patay, namatay siya nu'ng ipinanganak ako. 'Yung papa ko naman, pinalayas ako
nu'ng nalaman niya na nabuntis ako,"
Medyo nanlumo si Arch. May nauna
na pala sa babae. Ang akala niya'y birhen pa ito.
"Nasaan na 'yung anak
mo?" may tampong tanong niya.
"Pina-ampon ko na lamang.
Hindi ko kasi siya kayang buhayin dahil wala akong kapera-pera. Lumaki akong
mahirap," may lungkot sa mukha ng babae. Naawa si Arch sa kalagayan nito.
Nagkaroon siya ng dahilan para lalong mapalapit dito.Tama ang naisip niya,
gagamitin niya ang kanyang pera para makuha niya ang loob nito. Wala na siyang
magiging problema basta't may salapi siyang hawak.
Nakilala niya ang babaeng iyon sa
pangalang Claire. Di nagtagal ay naging magkaibigan sila. Gabi-gabi silang
nagkikita sa bar at nagpapakalunod sa alak, may mga gabi na kapag hindi na
makauwi si Arch sa sobrang kalasingan ay inuuwi siya ni Claire sa bahay nito na
malapit lang sa bar na iyon. Pagkalipas ng ilan pang mga taon ay nauwi sa
relasyon ang pagkakaibigan nilang dalawa. Nang maging opisyal na silang dalawa
ay sa bahay na ni Arch umuuwi ang babae. Sakto namang natapos ang mansyon na
ipinagawa ni Arch. Doon na sila nakatira ni Claire. Doon na sila magsisimula ng
bagong buhay.
Dumating ang gabi na
pinakahihintay ni Arch. Nagtalik silang dalawa sa loob ng kuwarto niya. Batid
niyang napaaga ang gabing dapat ay gagawin pa lang nila kapag ikinasal na sila
subalit pareho silang sabik na sabik sa sarili kaya hindi na nila pinalampas
ang pagkakataong iyon. Uminit ang gabi nilang dalawa na may kasamang kiliti,
sarap at tamis ng pagnanasa.
Ang akala talaga ni Arch ay
tuluyan na siyang magiging maligaya. Subalit dumating ang araw na may
nangyaring hindi niya inaasahan. Ninakaw ang lahat ng pera niya na nakalagay sa
loob ng aparador. Naglaho na parang bula ang isang milyon. Ni singko ay walang
natira sa kanya. Napnap lahat, at kasabay pa niyon ang biglaang pagkawala ni
Claire.
"Lintik na!" Binalibag
niya ang hawak na cellphone sa dingding. Nilinlang siya ng babae at
pinagtaksilan, ninakawan pa. Di niya inakalang sa kabila ng pagiging maganda
nito ay may itinatago itong masamang budhi. Ang hindi niya alam, isa talagang
magnanakaw si Claire. Naglayas ito sa probinsya nito sa takot na mahuli ng mga
pulis kaya sa Maynila na ito namuhay. Iyon ang katotohanan na hindi sinabi ni
Claire sa kanya.
Magmula noon, hindi na niya ito
nakita pa. Dahil sa nangyari ay parang ninakawan din ng buhay si Arch. Nawalan
na siya ng ganang kumain at lumabas ng bahay.
Hindi na rin siya gaanong
nakakatulog ng maayos at palagi siyang balisa. Palaging naglalaro sa kanyang
isipan ang pera niya. Kung wala iyon, parang wala na rin siya. Sayang ang lahat
ng mga pinaghirapan niya kung mawawala lamang ito. Ang masaklap doon ay ninakaw
pa iyon ng isang tao na hindi niya inakalang gagawa ng ganoon kasama sa kanya.
Tuluyan na siyang nawalan ng
tiwala at itinurin niyang salot ang lahat ng mga tao sa mundo. Tumubo at lumaki
ang galit sa kanyang puso.
Hanggang isang araw ay dinapuan
siya ng isang sakit na hindi niya matukoy kung ano. Sa tuwing uubo siya ay may
dugong lumalabas sa kanyang bibig. Kapag naman nagsusuka siya ay may kasama
ring dugo. Nagsimulang manamlay ang kanyang hitsura at mamuti at mamakbak ang
balat ng kanyang mga labi. Pumayat siya ng pumayat na kulang na lang ay lumabas
na ang buto niya. Nagsimula na ring malagas ang buhok niya at mangitim ang
tagiliran ng kanyang mga mata. Sumisikip ang kanyang dibdib at hirap huminga.
Halos lahat yata ng uri ng kanser ay dumapo sa kanya. May kasama pang HIV, TB,
at Asthma.
Ano ba itong nangyayari sa akin,
iyon ang tanong na palaging isinisigaw ng utak niya.
Hindi na niya kaya. Hirap na
hirap na siyang mamuhay ng may karamdaman. Hindi na niya magawang magpatingin
sa duktor dahil wala na siyang kapera-pera.
Lumipas ang isang taon, buhay pa
rin siya at patuloy na naghihirap sa sakit niyang iyon. Hindi niya lubos na
maunawaan kung bakit pa siya nanatiling buhay sa kabila ng kanyang malalang
karamdaman. Paano niya nagawang mabuhay sa loob ng isang taon nang hindi
kumakain, natutulog at umiinom ng gamot? Hanggang sa nakaisip siya ng paraan...
Nagpunta siya sa kusina at kumuha
ng kutsilyo. Hindi na magbabago ang isip niya. Gusto na niyang mamaalam sa
mundo kaya nilaslas niya ang dalawang pulso niya. Ilang sandali lamang,
nagdilim na ang paningin niya.
PAGKAGISING niya ay muli niyang nilingon
ang laslas niya sa pulso. Patuloy pa rin iyon sa pagdurugo pero ang hindi niya
maintindihan ay bakit hindi pa rin siya namatay? Bakit pa siya nagising?
Bumangon siya at nagpunta sa kuwarto. Nagtali siya ng lubid sa itaas at kumuha
siya ng tungtungan. Itinali niya ang lubid sa kanyang leeg, magbibigti siya!
Pagkatali ng lubid sa kanyang
leeg ay agad niyang sinipa palayo ang tungtungan. Sumakal ng ubod ng higpit ang
lubig sa kanyang leeg. Kulang na lang ay humiwalay ang ulo niya sa katawan.
Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.
Hindi niya alam kung gaano siya
katagal nakalambitin doon pero hindi niya maintindihan kung bakit nagising pa
siya sa kanyang ginawa. Bakit ayaw huminto ng kanyang puso sa pagtibok? Bakit
hindi siya mamatay-matay? Doon na siya nabahala at biglang sumagi sa isip niya
ang agimat na ibinenta niya. Naalala niya ang sinabi ng ina niya na bibigyan
raw nito ng mahabang buhay ang sinumang magmay-ari nito.
Pero matagal nang ibinenta iyon
ni Arch. Hindi na siya ang nagmamay-ari nito pero bakit hindi pa rin
mapatid-patid ang kanyang buhay?
Binaklas niya ang lubid sa
kanyang leeg. Bumagsak siya sa lupa. Pilit niyang ibinangon ang sarili kahit
hirap na hirap na siya. Muli siyang nagpunta sa kusina at kumuha ng lagari.
Buong lakas at tapang na nilagari niya ang kanyang braso.
"Aaaaaaaaahhhh!!!"
namilipit siya sa sakit. Lalo na ng mahulog sa sahig ang naputol niyang braso
ay halos maubos ang boses niya sa kakasigaw. Dumanak ang sariwa niyang dugo at
nagkalat sa sahig. Walang patid ang kanyang pagsigaw at pag-iyak. Awang-awa na
siya sa sarili niya. Para siyang bata kung umiyak at parang babae kung sumigaw.Lahat
ay ginawa na niya pero hindi pa rin siya namamatay. Para
Ramdam niya ang sakit at hapdi na
ginawa niya sa paglaslas niya sa kanyang pulso, pagbigti, at pagputol sa
kanyang braso pero hindi siya namamatay. May kung anong sumpa ang kumapit sa
kanya kaya ayaw huminto sa pagtibok ng kanyang puso. Umisip pa siya ng paraan
para mamatay. Kumuha siya ng martilyo at pinukpok niya ang kanyang bibig
hanggang sa magkanda-durog ang kanyang mga ngipin. Pinaulanan din niya ng
pukpok ang kanyang ulo at halos madurog ang bungo niya pero nanatili pa rin
siyang buhay. Nanginig siya sa sobrang sakit. Pero hindi siya nagpatanig.
Ininom niya ang asido na naka-stock sa kusina. Namilipit siya sa hapdi. Ramdam
niyang sinusunog na ng asido ang kanyang puso at buong laman sa katawan.
Nagsuka siya ng nagsuka at nangisay sa sahig pero bigo siyang wakasan ang
sariling buhay. Sa sobrang hapdi ng buo niyang katawan ay gumapang na lamang
siya papunta sa terrace at inilabas na niya ang lahat ng natitira niyang lakas
para umakyat doon pagkatapos ay tumalon siya. Pagkabagsak ng katawan niya sa
lupa ay maraming nadurog na mga buto sa kanyang katawan at dumanak ang dugo sa
lupa, at doon na muling nagdilim ang kanyang paningin.
PAGKAGISING ni Arch ay nasa isang
malaking kawa na siya habang nasusunog sa lumalagablab na apoy. Nagsisigaw siya
sa sakit dahil sa nalalapnos niyang balat dahil sa init ng di pangkaraniwang
apoy. At habang siya’y naluluto sa malaking kawa ay nakatitig sa kanya ang
isang demonyo na may hawak na panghalo sa kawa. Niluluto talaga siya nito!
Doble-dobleng sakit at paso sa
katawan ang naramdaman ni Arch. Nanoot ang sakit niyon hanggang sa kanyang mga
buto. habang siya’y naluluto ay pinagtatawanan siya ng mabalasik na demonyo.
Mahaba ang sungay nito,
pulang-pula ang katawan at kulay berde ang mga mata.Mahahaba ang mga kuko at
bulok ang mga ngipin. Nakangisi ito sa kanya.
Bagamat halos mabingi na siya sa
kakasigaw dahil sa init ng apoy na sumusunog sa katawan niya sa kawa ay narinig
niyang nagsalita ang demonyo.
"Dahil sa ginawa mong
pagbenta sa makapangyarihang agimat ay nagkaroon ka ng isang malaking kasalanan
sa panginoong Lucifer. Kaya bilang parusa, hinding-hindi ka mamamatay kahit ano
ang iyon gawin. Mananatili kang buhay sa lupa habang walang patid na
maghihirap! Hahahahaha!"
Muling nagdilim ang paligid at
nawalan ng malay si Arch.
NANG muli siyang magising ay nasa
lupa na siya, sa labas ng kanyang mansyon. Panaginip lang pala ang lahat. Isang
makatotohanang panaginip. Hindi na niya magawang huminga ng malalim.
Hinang-hina na siya.
May kung anong nag-udyok kay Arch
para gawin ang isang bagay na hindi pa niya nagagawa sa buong buhay niya.
Nang gabing iyon ay gumapang siya
ng gumapang sa lupa hanggang sa makarating siya sa simbahan. Ang tahanan ng
Diyos sa langit.
Pagpasok niya doon ay tiniis niya
ang lahat ng sakit at hapdi sa buong katawan para makarating malapit sa harap
ng altar. Gamit ang kanyang natitirang kamay ay gumapang siya at humawak sa
paanan ng mga upuan para agad makarating sa harap ng altar. Hindi na kasi niya
maikilos ang mga paa dahil sa ginawa niyang pagtalon. Bali na ang mga buto niya
sa paa. Tiniis na lamang niya ang pagkirot ng buo niyang katawan, halos
manginig at maiyak siya sa sakit. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na
kalungkutan at paghihirap na nararamdaman ngayon.
Nang makarating na siya sa harap
ng altar ay napahagulgol siya ng iyak habang nakatitig sa rebulto ng panginoong
Diyos.
"A-alam ko po na nagkasala
ako sa inyo. Batid kong malaki ang aking kasalanan dahil hindi kita kinilala
mula noong bata pa ako. D-dahil sa agimat na iyon ay h-h-hindi ako nab-bigyan
ng pagkakataon p-para makilala ang t-tunay na makapangyarihan sa l-lahh-hat… G-gusto
na kitang makita at makilala. P-parang awa n'yo na panginoon... P-pa-patayin
n'yo na ako... Hirap na hirap na ako. Parang awa n'yo na... P-patayin n'yo n-na
a-ko... Kunin n'yo n-a ak-ako..." Pagkatapos manalangin ay muli siyang
humagulgol ng iyak habang dasal ng dasal at nanghihingi ng tawad sa panginoon.
Iyon na lamang ang paraang naisip niya para magwakas na ang paghihirap niya sa
parusang ipinataw sa kanya ng diablo.
"P-panginoon, kung
ta-talagggang... kayo ay makapangyarihan at mapagpatawad... sana maawa k-kayo
sa akin... Kunin n'yo na ako... G-gusto ko na kayo makilala... Nagsisisi na ako
sa... Sa aking mga k-kasalanan..." Muli siyang humagulgol ng pag-iyak habang
taimtim na nananalangin at humihiling sa panginoon ng kapatawaran at
kapayapaan.
Bumuhos ang natitirang luha ni
Arch sa mga mata. Sa huling pagkakataon ay napa sign of the cross siya.
Hindi na niya namalayan pa kung
gaano siya katagal umiiyak at nagluluksa sa harap ng altar. Nagulat na lamang
ang Janitor ng simbahan dahil pagkabalik nito sa loob ay nakakita ito ng isang
lalaking nakabulagta sa harap ng altar. Duguan ito at lasog-lasog ang katawan.
"Diyos ko!" Nanlaki ang
mga mata niya at nabitawan ang hawak na walis.
Tumakbo siya sa kinaroroonan ng
lalaki at nang iharap nito ang nakadapang katawan ng lalaki ay pinulsuhan niya
itopero sa kasamaang palad ay wala na itong buhay. Ibig niyang maiyak sa
kalunos-lunos na hitsura ng lalaking iyon.
Sino kaya ang taong makakagawa ng
ganoong klaseng pagpatay sa kapwa? Iyon ang natanong ng Janitor sa kanyang
isipan. Walang nakakaalam na si Arch mismo ang gumawa niyon sa kanyang sarili.
Mananatiling lihim iyon habang buhay.
Lalo siyang naawa habang
pinagmamasdan niya ang basag nitong bungo sa ulo, ang putol nitong braso, ang
bakas ng lubid sa leeg nito, ang nangitim nitong balat na animo’y nasunog at
naubusan na ng dugo, at ang bali-bali nitong mga buto sa paa. Awang-awa siya sa
lalaki. Hindi niya ito kakilala pero hindi niya napigilang maluha sa kung
anuman ang sinapit nito.
Ngunit meron siyang napansin sa
bangkay ng lalaki. Kung titignang mabuti, tila nakangiti ito na animoy nakamit
na ang minimithing kapayapaan...
Napausal ng dasal ang Janitor
habang emosyonal na nakatitig sa bangkay ng lalaki.
“Hail mary mother of God pray for
us sinners. Now and at the hour of our death. Amen.”
- Pray For Us Sinners -
***THE END***
Written by Daryl Makinano Morales
No comments:
Post a Comment